
Maiksing Kasaysayan ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
Sa pagnanais ng mga mananampalataya na magkaroon ng sariling simbahan, ang mga parokyano ng Poblacion, Agoncillo, Batangas; ang mag-asawang Atty. Fidel at Margarita Manalo ay nagkaloob ng lupa na siyang pagtatayuan ng kapilya.
Noong 1967, sa pangunguna ni Architech Leon Mayo isang maliit na kapilya ang naitayo. Sa pagdaan ng panahon ito’y umunlad at hiniling ang kapahintulutan ng noo’y Arsobispo, Lubhang Kgg. Ricardo J. Vidal, D.D. na ito’y maging isang ganap na Parokya na kahiwalay sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa sa Barangay Subic, Agoncillo, na nakakasakop sa nasabing lugar.
Noong 1991, sinimulan ang paghahanda sa pamumuno ni Rev. Fr. Carlo Magno Ilagan na ihanda ang labing-isang (11) barangay upang gawin parokya. Si Reb. Fr. Johannes M. Arada ang siyang naitalaga bilang paring lingkod. Ang simbahan ay naitatag at naitalaga sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Ina ng Laging Saklolo sa pangunguna ni Lubhang Kgg. Mariano G. Gaviola, D.D. noong ika – 30 ng Enero 1993.